Latest NewsBalitang A2Z

PBBM, kinastigo ang iresponsableng pagmimina

Ninigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na hindi papayag ang pamahalaan sa iresponsableng pagmimina lalo’t nararapat na mas makabubuti ang ginagawa sa tao at kalikasan.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Ninigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na hindi papayag ang pamahalaan sa iresponsableng pagmimina lalo’t nararapat na mas makabubuti ang ginagawa sa tao at kalikasan.

Sa mining Philippines conference, iginiit ni Marcos Jr. na dapat alinsunod sa Paris agreement at Philippine energy plan ang lahat ng operasyon.

Idiniin din niya na dapat makinabang ang publiko sa mga kita ng pagmimina at maging transparent ang sektor.

Habang isinusulong din ng pangulo ang enhanced fiscal regime for mining act na nag-uutos ng five percent royalty sa mga mining company sa itinalagang mining sites.

What do you feel about this article?