Latest NewsBalitang A2Z

Palasyo, tinawag na “parang nuisance candidate” ang indibidwal na humiling ng ICI probe VS First Lady Liza Marcos

Iginiit ng Malacañang na layon lang umano ng isang pribadong indibidwal na siraan si First Lady Liza Araneta-Marcos matapos siyang iugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Iginiit ng Malacañang na layon lang umano ng isang pribadong indibidwal na siraan si First Lady Liza Araneta-Marcos matapos siyang iugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, walang matibay na ebidensiya ang nagreklamo na si John Santander matapos humiling ito sa Independent Commission for Infrastructure na isama ang unang ginang sa imbestigasyon.

Tinawag pa ni Castro ang reklamo na “parang nuisance candidate” o panira lang at sinabing nasa kamay na ng komisyon ang pagtitimbang sa mga ebidensyang nakalap.

Dagdag pa ni Castro, hindi na bibigyan ng pansin ng First Lady ang ganitong alegasyon dahil wala umano itong batayan.

What do you feel about this article?