Lumipad na pauwi ng China ang tatlong giant pandas mula sa Smithsonian National Zoo sa Washington D.C. sa Amerika matapos ang mahigit limampung taon ng “Panda diplomacy.”
Nagwakas ang isang makasaysayang diplomatic era sa naturang zoo na kauna-unahang nag-alaga ng mga panda noong 1972 sa panahon ni Pang. Richard Nixon.
Sa pag-alis ng mga panda na sina Tian ian, Nei xiang, at Xiao chi ji, tanging ang zoo atlanta na lang ang natitirang may panda sa U.S. ngayon.
Pero pauuwin na rin sa China ang mga naturang panda dahil matatapos na rin ang kontrata nito sa pag-aalaga ng mga panda sa susunod na taon.
ADVERTISEMENT
Umaasa naman ang National zoo na muling magpapadala ang China ng mga panda para ipagpatuloy ang kooperasyon sa conservation at ugnayan ng dalawang bansa.

