It’s official!
Inilabas na ng Madame Tussauds Hong Kong na si Kathryn Bernardo ang susunod na magkakaroon ng prestihyosong wax figure.
Sa Instagram, makikita sa post ng Madame Tussauds Hong Kong ang video kung saan may preparation si Kathryn para sa binubuong wax figure niya na may caption the countdown is over Madame Tussauds Hong Kong is welcoming Kathryn Bernardo known as the phenomenal box office queen.
Si Kathryn na nga ang pinakabagong pinoy celebrity na ginawan ng wax figure ng Madame Tussauds kasunod nina pambansang kamao Manny Pacquiao, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Anne Curtis at broadway star Lea Salonga!

