Ila-livestream na ng Independent Commission for Infrastructure ang mga pagdinig nito kaugnay ng flood control scandal.
Inanunsyo mismo ‘yan ni ICI chair Andres Reyes Jr. sa pagdinig ng senate committee on justice and human rights ngayong Miyerkules.
Habang pagbabawalan na ng Department of Trade and Industry na maging miyembro ng Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB ang mga nagmamay-ari ng construction firms para iwas conflict of interest.

