Nanguna si House speaker Faustino “Bojie” Dy III sa pagpapalabas ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net worth o SALN para hikayatin ang mga kapwa mambabatas na gawin din ito.
Batay sa ibinahagi, may kabuuang P121. 1 milyong na asset si Dy.
Kabilang sa kanyang mga ari-arian ang mga lupain at residential properties.
Habang humigit P47 milyong ang kanyang liabilities o utang kabilang na rito ang sa mga negosyo.
Samantala, may net worth naman na P74 milyong ang naturang mambabatas.
ADVERTISEMENT
Kasabay nito, nilagdaan ni Dy ang memo para sa reconstitution ng SALN review and compliance committe na pamumunuan ni deputy speaker Ferdinand Hernandez.
Ayon kay Dy, dapat ibalik ng kongreso ang tradisyon ng transparency para palakasin ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan.


