Latest NewsBalitang A2Z

DPWH building sa Quezon City, nasusunog

Nilamon ng apoy ang tanggapan ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa Quezon City kaninang umaga.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nilamon ng apoy ang tanggapan ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa himpilan, nasunog ang gusali ng Bureau of Research and Standards na nagsasagawa ng mga pag-aaral at pagbuo ng pamantayan para sa mga infrastructure project.

Nagsimula umano ang sunog sa isang computer na sumabog habang wala namang nasugatang empleyado sa insidente.

Patuloy ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy sa himpilan.

ADVERTISEMENT

Iniimbestigahan naman ng DPWH ang lawak ng nasalantang ari-arian.

Gayunpaman, tiniyak ng ahensiya na walang nasunog na dokumento kaugnay sa imbestigasyon sa umano’y flood control anomalies.

What do you feel about this article?