Sinuportahan ng mga mambabatas at dating opisyal ang panukala ni Senate Pres. Tito Sotto III na lumikha ng Independent People’s Commission o IPC para imbestigahan ang mga anomalya at korapsyon sa gobyerno.
Ang Senate bill 1215 na sinulat nina Sen. Erwin Tulfo at Risa Hontiveros ay magbibigay-kapangyarihan sa IPC na mag-imbestiga, mag-freeze ng assets, at magrekomenda ng hold departure orders.
Giit ni Sotto, dapat bukas sa publiko ang mga pagdinig havang hinikayat ni Sotto ang malacañang na ideklara ang panukala bilang urgent.
Samantala, itinalaga bilang bagong chairperson ng National Commission of Senior Citizens si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.
ADVERTISEMENT
Bago ang posisyon nagsilbi si Gutierrez bilang miyembro ng board of trustees ng GSIS is at siya rin ang kauna-unahang babaeng Ombudsman ng bansa.
Nagbitiw siya noong April 2011 bago ang impeachment trial sa senado dahil sa mga alegasyon ng mababang conviction rate at pagkakabinbin ng mga graft case kabilang ang kay dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo na siya ring naghirang sa kanya noong 2005.

