Latest NewsBalitang A2Z

AFP, dedma na sa pahayag ni Davao City Mayor Baste Duterte tunkgol sa China at WPS

Dedma na ang Armed Forces of the Philippines sa mga patutsada ni acting Davao City Mayor Baste Duterte patungkol sa paninindigan ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Dedma na ang Armed Forces of the Philippines sa mga patutsada ni acting Davao City Mayor Baste Duterte patungkol sa paninindigan ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea.

Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Roy Vincent Trinidad maaari naman makipagtulungan ang bansa sa China sa paraan ng pagpapalakas ng ekonomiya.

Iginiit kasi ni Baste na dapat piliin ng AFP ang economic cooperation sa China kaysa tapatan ng military practices.

Pero matatandaang binuweltahan kamakailan ni Philippine Coast Guard spokesperson para sa West Philippine Sea na si Commander Jay Tarriela si Baste Duterte.

Kung saan ipinunto ni Tarriela ang lumang komento ni Duterte na dapat huwag gumamit ng “made in China” bago umano kumontra sa Tsina.

ADVERTISEMENT

Giit ni Tarriela hindi ito isyu ng komersyo kundi ng soberanya.

Dinagdag pa ni Tarriela na bago magbitaw ng pahayag, dapat ay nakabatay ito sa katotohanan at hindi sa mga pro-China narrative.

What do you feel about this article?