Nakatuklasan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Malolos ang umano’y 13 ghost flood control projects sa lugar.
Ayon kay Mayor Christian Natividad, mula 2022 hanggang ngayon aabot sa 106 flood control projects ang naitala sa malolos na umaabot sa mahigit P8 bilyong ang halaga.
Sa bilang na ito, nasa 27 lang ang natapos at 13 ang hindi matagpuan habang walo naman ang substandard at anim ang may kulang na data.
Bukas ang lokal na pamahalaan na makiisa sa Independent Commission for Infrastructure at posibleng maghain ng kaso sa Korte Suprema para panagutin ang dpwh sa mga anomalyang ito.

