Ginisa ni Sen. Rodante Marcoleta si DoJ officer-in-charge Frederrick Vida sa budget hearing ng senado para sa 2026 proposed budget ng ahensya.
Ito’y dahil sa kondisyon ng ahensya, sa mag-asawang kontratista na sina Curlee at Sarah Discaya na restitution o pagbabalik ng ninakaw na pera sa taumbayan na may kinalaman sa flood control anomalies bago iproseso ang kanilang aplikasyon sa witness protection program o WPP.
Sagabal ayon kay Marcoleta, ang kondisyong restitution sa pakikipagtulungan ng mag-asawang discaya sa gobyerno para sabihin ang kanilang nalalaman.
Pero bigla siyang kumambiyo.

