Babalik bilang Senate Blue Ribbon Committee chair si Senador Panfilo Lacson ilang linggo matapos ang kanyang pagbibitiw mula sa naturang puwesto.
Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto na pamumunuan muli ni Lacson ang Blue Ribbon Committee simula Nobyembre.
Ayon kay Sotto, nakarating kay Lacson ang panawagan ng publiko at ng ilang kasamahan na muli niyang pamunuan ang komite.
Sa resignation letter ni Lacson noong October 6, binanggit niya ang pagkadismaya ng ilang senador sa direksyon ng mga pagdinig ng komite hinggil sa maanomalyang flood control projects.
ADVERTISEMENT
Itinanggi rin niya na pinupuntirya niya ang mga nadadawit na senador at pinoprotektahan ang mga kongresista na sangkot sa budget anomalies.
Sa ngayon, namumuno bilang acting chairperson ng Blue Ribbon Committee si Senador Erwin Tulfo.

