Isang makasaysayang araw ngayon sa Japan matapos maitalaga si Sanae Takaichi bilang unang babae na Prime Minister ng bansa.
Nahalal ang 64anyos na si Takaichi na lider ng Liberal Democratic Party matapos makatanggap ng botong 237–149 laban sa oposisyong si Yoshihiko Noda.
Kilalang conservative si Takaichi at malapit sa yumaong dating prime minister na si Shinzo Abe.
Isinusulong niya ang pag-amyenda sa pacifist constitution mas mahigpit na immigration policy at mas mataas na defense spending.
Bagamat tinuturing na tagumpay para sa kababaihan ang kanyang pagkakahalal iginiit naman ng mga kritiko na mahirap itong ituring bilang panalo ng feminismo.
ADVERTISEMENT
Lalo’t tutol si Takaichi sa same-sex marriage at sa pagpayag na panatilihin ng mga babae ang kanilang apelyido sa pag-aasawa.
Gayunpaman, umaasa ang mga sumusuporta kay Takaichi na maaari niyang ibanong ang ekonomiya ng bansa.

