Tinutugis na ng mga pulis ang suspek sa pamamaril sa isang Bicolanong broadcaster sa Guinobatan, Albay umaga ng Lunes.
Kinilala ang 54 nyos na biktima na si Noel Bellen Samar na konektado sa Kadunong IV at DWIZ.
Tinamaan ng bala si Samar, habang nasa maharlika highway sa Brgy. Morera kung saan agad siyang dinala sa Bicol regional training and teaching hospital sa Legazpi City pero binawian din ng buhay.
Naglunsad naman na ng hot pursuit operation ang pnp at nagtayo ng mga checkpoint sa mga kalapit-bayan laban sa suspek
ADVERTISEMENT
Nanawagan naman ang mga otoridad sa publiko na magbigay ng impormasyon na makatutulong sa pagkilanlan at pag-aresto ng suspek.

