Patay ang isang radio broadcaster sa Albay na si Noel Bellen Samar kahapon, matapos itong maging kritikal sa pamamaril noong Lunes.
Pinagbabaril sa dibdib si Samar at naidala pa sa Bicol Regional Hospital and Medical Center, ngunit kinumpirma ng pamunuan ng ospital na pumanaw na ito kahapon.
Kilala ang broadcaster bilang political radio anchor kaya inaalam kung ito ang tunay na dahilan sa pamamaril.
Ayon naman kay Acting PNP Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagpaslang kay Samar ay hindi niya palalampasin sapagkat nagpapakalat lamang ng transparency ang mga nagtatrabaho sa midya.
Idinirekta niya ang imbestigasyon sa PNP Police Regional Office 5. Agad namang nagsagawa ng Special Investigation Task Group at manhunt operation kaugnay sa pamamaril kay Samar.
ADVERTISEMENT
Nakikipag-ugnayan naman ang pamilya nito at mga kasamahan sa media upang mabigyan ito ng hustisya.
Ayon din sa mga kaibigan ng pumanaw na broadcaster, ang pagpaslang kay Samar ay malinaw na pag-atake sa malayang pamamahayag. (Austin Gonzaga/ News Light)

