Muling ipinangako ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na paglilinis sa hanay ng pamahalaan sa harap ng kaliwa’t kanang isyu ng kurapsyon sa iba’t ibang parte ng gobyerno ngayon.
Sa kaniyang talumpati sa pag gawad ng 2025 Metro Bank foundation outstanding Filipinos sa Malacañang araw ng Martes, inamin ni PBBM na magiging mahirap at masakit ang proseso ng paglilinis kontra katiwalian.
Pero aniya ang labang ito ay para sa bansa at sa susunod na henerasyon. Sinabi pa ng pangulo na ang mga pinangalanang outsndating filipinos ngayong taon ay kinabibilangan ng tatlong guro, apat na sundalo at tatlong police officers ay nagsisilbing inspirasyon at paalala na lagi at lagi ay may mga Pilipinong nagsisilbi ng tapat at may integridad.

