Inilunsad ni Pang. Ferdinand Marcos jr. ang “Ine RFID, all tollways” project—isang sistema na plano nang pag-isahin ang toll collection sa mga expressway sa Luzon.
Sa ginanap na launching sa SLEX toll operations building sa Calamba, Laguna personal na sinaksihan ni PBBM ang online registration ng mga RFID provider na autosweep at easytrip.
Bahagi ito ng repormang naglalayong gawing mas moderno, konektado, at komportable ang pagbiyahe ng mga pilipino mula hilaga hanggang timog.
Sa pamamagitan ng bagong sistema, inaasahang mas madali at dire diretso na ang pagdaan ng mga motorista sa mga tollway at wala nang hiwalay na sticker sa bawat expressway.

