News LightLatest News

‘One RFID, All Tollways,’ inilunsad ni PBBM para sa mas madaling biyahe | News Light

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “One RFID, All Tollways” project — isang sistema na planong pag-isahin ang toll collection sa mga expressway sa Luzon.

Giselle Crazo · · 1 min read

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “One RFID, All Tollways” project — isang sistema na planong pag-isahin ang toll collection sa mga expressway sa Luzon.

Sa ginanap na launching sa SLEX Toll Operations Building sa Calamba, Laguna, personal na sinaksihan ni PBBM ang online registration ng mga RFID provider na Autosweep at Easytrip.

Bahagi ito ng repormang naglalayong gawing mas moderno, konektado, at komportable ang pagbiyahe ng mga Pilipino mula hilaga hanggang timog.

Sa pamamagitan ng bagong sistema, inaasahang mas madali at dire-diretso na ang pagdaan ng mga motorista sa mga tollway at wala nang hiwalay na sticker sa bawat expressway.

What do you feel about this article?