Latest NewsBalitang A2Z

Official music video ng awiting ‘Kandarapa’ ni Ely Buendia, inilabas na

Ely B. is back! Tila naging certified leading man ang OPM icon na si Ely Buendia dahil sa kanyang bagong music project!

BALITANG A2Z · · 1 min read

Ely B. is back!

Tila naging certified leading man ang OPM icon na si Ely Buendia dahil sa kanyang bagong music project!

Inilabas na ng singer nitong October 19 ang kanyang cinematic official music video ng kanyang bagong kanta na ‘Kandarapa.’

Sa isang pahayag, lubos na ipinagmamalaki ni Ely na isang diy project ang music video kung saan siya mismo ang nag-produce katuwang ang sariling label na offshore music.

ADVERTISEMENT

Ito na ang ikatlong single ni Ely para sa solo album na “Method adaptor.”

Mapapanood na ang ‘Kandarapa’ music video sa youtube channel ni Ely Buenda.

What do you feel about this article?