Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa magaganap na Undas ngayong taon.
Bilang paghahanda, ipatutupad mula October 25 hanggang November 3 ang “No day-off, no absent” policy sa mga traffic personnel ng ahensya.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kada Undas ay maraming bumibisita sa mga sementeryo ngunit marami din ang umuuwi sa probinsya, kaya mas magbabantay ng trapiko ang MMDA sa mga karatig-lansangan malapit sa Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, Loyola Memorial Park sa Parañaque, at iba pang malalaking sementeryo sa Metro Manila.
Hindi lamang magpapakalat ng mga traffic personnel sa mga lansangan, kundi pati na rin sa mga bus terminal at mga pantalan at paliparan.
ADVERTISEMENT
Makikipag-ugnayan din ang MMDA sa pamunuan ng North Luzon Expressway at South Luzon Expressway upang masiguro ang maayos na biyahe ng mga motorista palabas ng Metro Manila. (Austin Gonzaga/ News Light)

