Latest NewsBalitang A2Z

Ms. Grand Int’l 2025 Emma Tiglao, umeksena sa Bangkok fashion week

Work work work agad ang Pinay beauty queen na si Emma Tiglao dalawang araw lang matapos makoronahan siya bilang Miss Grand International.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Work work work agad ang Pinay beauty queen na si Emma Tiglao dalawang araw lang matapos makoronahan siya bilang Miss Grand International.

Sa social media, ibinahagi ni Tiglao ang pagsabak agad sa fashion scene ng thailand para sa kanyang first outing bilang new MGI queen.

Umattend si Emma sa ‘flynow autumn winter collection fashion show’ para sa ongoing Bangkok international fashion week.

Kasama niya sa ganap sina MGI Pres. Nawat It-sara-grisil at MGI first runner up na si Sarun-rat Puag-pipat.

ADVERTISEMENT

At mukang magiging abala rin si Tiglao sa mga susunod na araw lalo’t nabanggit sa TikTok live ni nawat na posibleng mag-host si Emma sa nalalapit na miss universe 2025 pageant.

Bahagi rin ang MGI president na si Nawat ng Miss Universe organization na todo-prepare na para sa inaabangang pageant sa Bangkok din sa November 21.

What do you feel about this article?