News LightLatest News

Mga Sangguniang Kabataan officials na “good standing,” kwalipikado sa civil service | News Light

Awtomatiko nang may eligibility ang mga Sangguniang Kabataan (SK) officials na magtrabaho sa pamahalaan, ayon sa anunsyo ng Civil Service Commission ngayong buwan.

Newslight · · 1 min read

Awtomatiko nang may eligibility ang mga Sangguniang Kabataan (SK) officials na magtrabaho sa pamahalaan, ayon sa anunsyo ng Civil Service Commission ngayong buwan.

Sa ilalim ng CSC Resolution No. 2500752, ang mga nahalal at na-appoint na SK officials na nakakumpleto ng tatlong taong termino ay mabibigyan ng benepisyo ng Sangguniang Kabataan Official Eligibility (SKOE).

Ayon sa CSC, ang SKOE ay nararapat sa mga first-level positions sa serbisyo, maliban sa mga nangangailangan ng board at special eligibility.

Sakop ng SKOE ang mga opisyal na nasa posisyon mula nang maging epektibo ang Republic Act No. 11768 o ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 na ipinatupad noong June 1, 2022.

ADVERTISEMENT

Nilinaw naman ng komisyon na ang mga SK chairperson ay covered ng Barangay Official Eligibility o BOE at hindi ng SKOE.
Wala rin umano dapat ang mga ito na kamag-anak o ugnayan sa second civil degree sa kahit sinong nahalal na opisyal sa kanilang lugar. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?