Uncategorized

Mga magsasaka, nagprotesta laban sa korapsyon sa harap ng DAR

Nagprotesta ang mga grupo ng magsasaka sa harap mismo ng Department of Agrarian reform sa Quezon City, umaga ng Martes.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nagprotesta ang mga grupo ng magsasaka sa harap mismo ng Department of Agrarian reform sa Quezon City, umaga ng Martes.

Pinangunahan ng grupong timog katagalugan ang rally na nanawagang panagutin ang mga umano’y korap sa gobyerno at tutukan ang mga isyung matagal nang idinadaing ng mga magsasaka.

Nagsunog ng effigy ang grupo bilang pagpapahayag ng galit laban sa korapsyon.

Tinatayang aabot sa halos isanlibong kasapi ng iba-ibang peasant group ang lumahok sa protesta.

ADVERTISEMENT

Tumungo naman sa Liwasang Bonifacio ang mga nagprotesta at magmamartsa hanggang mendiola para ipanawagan ang kanilang hinaing laban sa korapsyon.

What do you feel about this article?