Latest NewsBalitang A2Z

DOTr, handang-handa na sa Oplan Undas 2025

Handang-handa na ang Department of Transportation sa inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe pauwi ng probinsya para sa Undas.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Handang-handa na ang Department of Transportation sa inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe pauwi ng probinsya para sa Undas.

Ayon kay acting Transportation chief Giovanni Lopez, nakahanda na ang mga ahensiya sa ilalim ng dotr gaya ng LTO, LTFRB, at Philippine Coast Guard para masiguro ang ligtas at maayos na biyahe ng publiko.

Paalala naman ni Lopez, dapat hindi lang sasakyan ang nakahanda kundi pati ang mga driver bago magmaneho.

Inihain din ni Lopez ang alok ni San Miguel Corp. chairman Ramon Ang na libreng magbigay ng hanggang limang litrong gasolina sa mga motoristang mauubusan ng pang-gasolina sa expressways.

ADVERTISEMENT

Magdide-ploy din ng mga fuel truck sa iba-ibang lugar.

Dagdag pa ng kalihim, makikipagtulungan din sila sa pdea para sa drug testing ng mga driver lalo na sa mga mahahabang biyahe.

What do you feel about this article?