Dalawampu’t dalawa lamang sa target na 1,700 classrooms ang naitayo ngayong taon, ayon sa Department of Education (DepEd).
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, 22 lang na silid-aralan ang natapos at mayroon pang 900 na pending—kahit na lampas sa 150,000 ang pangangailangan para dito sa buong bansa.
Dagdag pa ng kalihim, nagpokus lamang umano kasi sa flood control at hindi na naging prayoridad ang pagtatayo ng classrooms.
Tinatatrabaho umano ng DepEd ang public-private partnerships na magpapabilis sa konstruksiyon ng mga nakatambak na itatayong classrooms dahil hindi maaasahan ang ahensya lang mag-isa.
ADVERTISEMENT
Pagkukumpara pa ng senador, 14,000 classrooms ang naitayo sa termino ng dating Education Secretary Armin Luistro dahil bultuhan ang paggawa kaysa sa paisa-isang building lamang kada bidding.
Target pa rin umano ng kasalukuyang administrasyon ang makapagtayo ng 40,000 classrooms bago matapos ang termino ni President Bongbong Marcos sa 2028, ayon kay Angara. (Denniel Salayo/ News Light)

