Latest NewsBalitang A2Z

DepEd chief Sonny Angara, dismayado dahil 22 classroom lamang ang naipatayo ng DPWH sa taong 2025

Dismayado si Education chief Sonny Angara matapos malaman na 22lang sa target na 1,700 sana na naipatayong classroom ng Department of Public Works and highways para sa 2025.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Dismayado si Education chief Sonny Angara matapos malaman na 22lang sa target na 1,700 sana na naipatayong classroom ng Department of Public Works and highways para sa 2025.

Ayon kay angara, posibleng mas napagtuunan ng DPWH ng pansin ang mga flood control projects kaya naisantabi ang pagsasaayos ng mga silid-aralan.

Sa kasalukuyan, may 900 pang pending projects habang mahigit 150,000 na classroom ang kabuuang kailangan sa buong bansa.

Dahil dito, isinusulong ng deped na bigyan ng kapangyarihan ang mga local government units at munisipyo na makapagpatayo ng mga silid-aralan.

ADVERTISEMENT

Habang isinusulong din ni Angara ang public-private partnership para mapabilis ang konstruksiyon.

What do you feel about this article?