Matagumpay at naging makulay ang premiere night ng inaabangang Christian animated feature film na “Light of the World,” na ginanap kagabi, Oktubre 21.
Ang paglulunsad ng pelikula ay inaasahang magiging isang milestone sa industriya ng pelikula sa Pilipinas, lalo na sa epektibong paggamit ng digital media at animasyon upang mabisang maiparating ang salita ng Diyos sa makabagong henerasyon.
Tampok sa pelikula ang nakamamanghang kuwento at paglalakbay ni Hesus, at ipinakita ito sa isang natatangi at sariwang pananaw ng isa sa kanyang mga apostol, si Juan.
ADVERTISEMENT
Ito ay naglalayong bigyan ng mas personal na pagtingin ang mga manonood sa buhay at ministeryo ni Hesus, mula sa paggawa ng mga himala at pagtuturo hanggang sa kanyang sukdulang sakripisyo.
Dinaluhan ang premiere night ng iba’t ibang Christian pastors, church leaders, social media influencers, at mga kilalang personalidad na nagpakita ng malakas na suporta sa Christian cinema at media.
Iisa ang kanilang mensahe: hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang mga palabas na nagpapahayag ng buhay ni Kristo at nagbibigay ng pag-asa.
ADVERTISEMENT
Ang “Light of the World” ay swak sa lahat ng edad. Ang de-kalidad at makulay na animasyon ay nakaaakit at nagbibigay-linaw hindi lang sa mga bata. Ang lalim ng kuwento at emosyon ay nakaantig din sa mga young at heart.
Suportahan ang mga pelikulang nagpapahayag ng salita ng Panginoon at naghahatid ng makabuluhang entertainment sa pamilya.
Abangan ang “Light of the World” at hayaang magliwanag ang mensahe ng kaligtasan at pag-asa sa inyong puso. Mapapanood na ito sa mga sinehan sa buong bansa simula Nobyembre 5, 2025. (Benedict Quejado/ News Light)
ADVERTISEMENT

