Choco Mucho, wagi kontra Nxled sa 2025 PVL Reinforced Conference | News Light

📅

Nagbalik sa win column ang Choco Mucho Flying Titans matapos i-sweep ang Nxled Chameleons sa score na 25-23, 25-19, 25-22 sa Premier Volleyball League Reinforced Conference noong Martes sa Araneta Coliseum.

Ito ay bounce-back win para sa koponan matapos ang straight-set loss kontra PLDT limang araw na ang nakalipas.

Nanguna si import Marlee Smith na may 20 puntos, habang si setter Tia Andaya ay may 15 excellent sets at walong puntos.

Target ng Choco Mucho ang sunod na panalo kontra Farm Fresh sa Oktubre 31, habang sasabak naman ang Nxled laban sa Cignal sa Oktubre 25.