InternationalLatest News

Chernihiv, Ukraine, nakaranas ng total blackout matapos ang panibagong pag-atake ng Russia | News Light

Kasalukuyang nakararanas ng total blackout ang lungsod ng Chernihiv sa Ukraine matapos ang pinakahuling pag-atake ng Russian missiles at drones sa lugar.

Carlene Latuna · · 1 min read

Kasalukuyang nakararanas ng total blackout ang lungsod ng Chernihiv sa Ukraine matapos ang pinakahuling pag-atake ng Russian missiles at drones sa lugar.

Ayon pa sa ulat, apat na ang nasawi at sampu ang sugatan dahil sa pag-atake.

Tinarget ng Russia ang mga energy supply, rail network, at mga kabahayan sa lugar.

Nakaapekto rin ang pagkawala ng kuryente sa water pumping stations, dahilan para maging limitado rin ang water supply ng mga residente.

ADVERTISEMENT

Siniguro naman ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy na inaayos na nila ang energy sector upang maibalik na ang power supply.

What do you feel about this article?