Extra ‘good day Los Angeles’ talaga ang peg ng Filipina actress na si Belle Mariano sa kanyang guesting sa Good Day L.A. morning show sa Amerika ngayong Martes.
Fresh ang charming ang young star sa kanyang interview kaharap ng host na si Amanda Salaas kung saan ibinahagi niya ang kahalagahan ng Filipino family values.
Bahagi ang guesting sa promotional tour ng bagong family drama movie ni Belle na ‘Meet greet and bye’ kung saan makakasama niya sina Maricel Soriano, Piolo Pascual, Joshua Garcia, JK Labajo at iba pa.
Nakatakdang mag-premiere ang naturang pelikula November 12 dito sa pinas habang November 14 naman sa U.S. at Canada.

