Nagsumite ng counter-affidavit sa Department of Justice ang businessman na si atong ang kaugnay ng mga kasong murder at kidnapping na inihain ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero at ng PNP.
Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Gabriel Villareal, isa sa mga ebidensiyang ipinasa nila ay isang video na umano’y nagpapakita kay whistleblower Julie “Dondon” Patidongan kasama ang isa sa mga nawawalang sabungero.
Bukod sa murder at kidnapping, isinumite rin ni ‘ang’ ang kanyang counter-affidavit sa mga kasong forced disappearance, direct bribery, at passport tampering.
Hiniling din nila sa DoJ na magkaroon ng re-investigation ang CIDG para mawala ang anumang pagdududa sa publiko.

