Aabot sa 887 na mga buto ng tao ang nakuha sa Taal Lake kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Department of Justice spokesperson Polo Martinez, nasa 981 na mga buto ang naretrieve sa Taal Lake.
887 ang buto ng tao, kabilang na ang tatlong set ng kalansay ng tao.
Nagsimula ang search operation sa Taal Lake matapos sabihin ng whistleblower na si Julie Patindongan na doon sa lawa itinapon ang labi ng mga nawawalang sabungero.
ADVERTISEMENT
Sangkot umano sa pagkawala ng mga sabungero ang negosyanteng si Atong Ang at ang aktres na si Gretchen Barretto, na kabilang sa mga sinampahan ng kasong murder.
Samantala, for resolution na ang murder complaint laban sa mga sangkot sa pagkawala ng mga sabungero. Ibig sabihin, natanggap na ito ng Department of Justice at hinihintay na lang ang magiging desisyon ng kagawaran hinggil dito.

