Latest NewsBalitang A2Z

₱19.2 million halaga ng Marijuana, nasabat sa dagat ng WPS

Nasabat ng mga otoridad, ang mahigit P19.2 milyong halaga ng hinihinalang high-grade marijuana o “kush" sa karagatan malapit sa Sabina shoal sa West Philippine Sea.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nasabat ng mga otoridad, ang mahigit P19.2 milyong halaga ng hinihinalang high-grade marijuana o “kush” sa karagatan malapit sa Sabina shoal sa West Philippine Sea.

Isinagawa ang operasyon ng philippine navy kasama ang pdea at pnp.

Nadiskubre ang kontrabando na palutang-lutang sa dagat isang itim na duffle bag na may laman na 32 heat-sealed plastic packs ng tinuyong marijuana na tinatayang tumitimbang ng 16 kilograms.

Agad na kinuha ng mga tauhan ng navy ang bag at dinala sa Puerto Princesa para sa imbestigasyon kung saan nagmula at kanino dadalhin ang mga nasabat na droga.

What do you feel about this article?