Muling dinagsa ng mga botante at nais maging botante ang mga voter registration booth ng Commission on Elections sa Luneta PITX at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa muling pagbubukas nito ngayong Lunes, October 20.
Pangako ng komisyon na dadalhin ang special registration anywhere program hanggang sa mga highly urbanized cities at sa mga liblib na lugar sa pilipinas para mabigyan lahat ng pantay na oportunidad sa pagpaparehistro.
Layon din ng komisyon na magsagawa ng registration sa mga mall para mas maraming makapag-sumite ng application.
Payo ng komisyon, hangga’t maaari t-shirt o collared shirt ang isuot para disente sa litrato at huwag kalimutan ang anumang valid government ID.
ADVERTISEMENT
Habang hindi tinatanggap ang police clearance at barangay certificate.
Tatakbo ang voters registration hanggang May 18, 2026 bago ang inaasahang bske sa November 2, 2026.

