Isang pambihirang paninindigan ang ipinakita ng sikat na worship artist na si Forrest Frank matapos niyang ipahayag na hindi siya dadalo sa prestihiyosong GMA Dove Awards, kung saan siya pa man din ang nanalo ng pinakamataas na parangal na Artist of the Year at iba pang kategorya.
Sa halip na humarap sa entablado at tanggapin ang mga tropeo, nagbigay si Frank ng isang mensahe ng malalim na paniniwala.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin niya na ang tanging “tropeo” na mahalaga para sa kanya ay ang kanyang kaligtasan.
Ang mapagpakumbabang desisyon ni Frank ay nagbigay ng malaking inspirasyon, lalo na sa mga kabataan, na ituon ang kanilang paningin sa mas dakilang gantimpala.
Samantala, ang hindi pagdalo ni Frank ay nagdulot ng malawak na diskusyon at iba’t ibang pananaw sa loob ng Christian music industry.
ADVERTISEMENT
Ilan sa mga sikat na kanta ni Frank ay “Your Way’s Better,” na nagkaroon ng viral dance step sa iba’t ibang social media platforms.
Samantala, ang GMA Dove Awards ay ang taunang seremonya ng parangal na ipinagkakaloob ng Gospel Music Association (GMA) sa Estados Unidos simula pa noong 1969.
Kinikilala at ipinagdiriwang nito ang mga natatanging tagumpay sa Christian music industry na sumasaklaw sa iba’t ibang genre at naglalayong itanghal at itaas ang pangalan ni Hesus. (Benedict Quejado/ News Light)

