
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang launching ng Toll Collection System Interoperability Project o “One RFID, All Tollways” sa South Luzon Expressway (SLEX) sa Calamba City, Laguna, ngayong umaga, October 21, 2025.
Layunin ng proyekto na mapadali ang biyahe sa mga expressway at mabawasan ang trapiko sa mga toll gate sa pamamagitan ng iisang RFID system para sa lahat ng tollways sa Luzon.
Sa programa, sinubukan mismo ni Pangulong Marcos Jr. ang online registration para sa bagong sistema at binisita ang mga RFID providers na Autosweep at Easytrip.
Ang proyektong ito ay resulta ng mahigit dalawang taong pagsubok at paghahanda na sinimulan pa noong Disyembre 2023, upang matiyak ang maayos at sabay-sabay na operasyon ng mga toll road sa buong Luzon.

