Binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos jr. ang kahalagahan ng kahandaan sa sakuna matapos ang sunod-sunod na lindol sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa kaniyang vlog, ipinunto ng pangulo na dapat palakasin ang disaster preparedness at response lalo’t nasa pacific ring of fire ang pilipinas kung saan madalas ang lindol at pagputok ng mga bulkan.
Hinikayat din ni PBBM ang bawat pamilya na magkaroon ng malinaw na plano sa panahon ng kalamidad at umasa lamang sa mga credible na pinagmumulan ng impormasyon tulad ng mga lehitimong media at huwag maniwala at tanggapin ang fake news.

