Bumuwelta ang Malacañang kay Vice Pres. Sara Duterte matapos niyang kuwestiyunin ang kredibilidad ng independent Commission for Infrastructure o ICI na itinatag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. para imbestigahan ang mga anomalya sa flood control projects.
Sa isang presser sa Pangasinan, sinabi ni VP Sara na nilikha umano ang komisyon para gawing lehitimo ang kuwento ng gobyerno sa isyu ng korapsyon.
Pero giit ni Palace press officer Usec. Claire Castro haka-haka lamang ang mga pahayag ng bise na layon umanong siraan ang administrasyon.
Giit pa ng palasyo mga eksperto ang miyembro ng ICI at hindi mga pulitiko.

