Tiwala si ML Party-list Representative Leila de Lima na dapat i-level up ng Marcos administration ang opensa nito laban sa China.
Kasunod ‘yan ng patuloy na mapanghamong aksyon ng China sa West Philippine Sea.
Kasunod nito, pinasinayaan sa pader ng Manila North Cemetery ang “Fight for our West Philippine Sea” mural wall bilang simbolo ng pagkakaisa at pagmamahal ng mga Pilipino sa bansa.
Pinangunahan ito ni Herbert Martinez, chairman at founder ng Blessed Movement, kasama si National Youth Commission Chairperson Jeff Ortega, sa ilalim ng Manamo Wall Project na may temang “Kulayan ang Karagatan: Kabataan para sa West Philippine Sea.”
ADVERTISEMENT
Layon ng proyekto na ipakita ang pagkamalikhain, nasyonalismo, at pagkakaisa ng kabataang Pilipino sa pagtatanggol ng karapatan ng bansa sa karagatan.

