News LightLatest News

Ombudsman, sisimulan na ang imbestigasyon sa flood control anomalies ngayong linggo | News Light

Sisimulan na ng Office of the Ombudsman ang paunang imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Carlene Latuna · · 1 min read

Sisimulan na ng Office of the Ombudsman ang paunang imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Limang kaso hinggil sa flood control projects sa Bulacan at isa mula sa Oriental Mindoro ang gugulong na simula ngayong linggo.

Ayon kay Remulla, sinusuri na rin ang iba pang isyu sa flood control, kabilang na ang restitution o pagbabalik ng mga pondo ng pamahalaan.

Makikipagdayalogo aniya ang Ombudsman sa Korte Suprema hinggil sa pagsasauli at sa obligasyon na dapat harapin ng mga sangkot sa anomalya.

ADVERTISEMENT

Maliban dito, iniulat rin ng Sandiganbayan na gumagawa sila ng bagong rules para mapabilis ang imbestigasyon at ang paghahain ng mga kaso.

Nagtalaga na rin ang Department of Public Works and Highways ng kinatawan ng ahensya na tutulong sa Ombudsman para sa mga dokumentong kailangan nito hinggil sa imbestigasyon, partikular sa mag-asawang kontratista na sina Curlee at Sarah Discaya.

What do you feel about this article?