Inaabangan na ang premiere night ng Christian animated movie na “Light of the World” mamayang alas-5 ng hapon.
Tampok sa pelikula ang buhay ni Hesus, kung saan ipinapakita ang kanyang mga himala at paglalakbay hanggang sa pagkakapako niya sa krus.
Hinihikayat naman ang mga magulang na isama ang kanilang mga chikiting sa panonood upang sila ay matuto at ma-inspire sa pagiging Kristiyano kahit sa murang edad pa lamang.
Opisyal na ipapalabas sa mga sinehan ang “Light of the World” dito sa Pilipinas sa November 5.

