Latest NewsBalitang A2Z

Hontiveros, Makabayan bloc naglabas na ng kanilang SALN

Hindi man required ilathala boluntaryo nang naglabas ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Net worth o SALN para sa taong 2024 si Sen. Risa Hontiveros kasunod ng parehong hakbang…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Hindi man required ilathala boluntaryo nang naglabas ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Net worth o SALN para sa taong 2024 si Sen. Risa Hontiveros kasunod ng parehong hakbang ng mga kongresista mula sa Makabayan bloc.

Mayroong kabuong P19 million na yaman si Hontiveros.

Kasama rito ang tatlong residential property, dalawang sasakyan, cash at ilan pang ari arian.

Nitong byernes inilathala na rin ng makabayan lawmakers ang kani kanilang SALN.

ADVERTISEMENT

Pinakamataas na ang halos labing isang milyong piso net worth ni ACT Teachers parylist Rep. Antonio Tinio na sinundan ng mahigit isang P1 milyong piso ni Gabriela parylist Rep. Sarah Elago at nasa 280,000 pesos naman ni kabataan Rep. Renee Co.

Hamon ng mga mambabatas kina Pres. Ferdinand Marcos Jr. Vice Pres. Sara Duterte,  at mga kabarong opisyal ng gobyerno ilathala na rin ang kani kanilang saln sa ngalan ng katapatan sa serbisyong publiko.

What do you feel about this article?