Latest NewsBalitang A2Z

Ex. Pres. Duterte, maaring sumailalim sa medical treatment o gamutan sakaling mapatunayang hindi kayang tumayo sa paglilitis, ayon sa ICC

Posibleng isailalim sa gamutan o treatment si dating Pang. Rodrigo Duterte kung ideklarang hindi niya kayang humarap sa paglilitis ng International Criminal Court o ICC.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Posibleng isailalim sa gamutan o treatment si dating Pang. Rodrigo Duterte kung ideklarang hindi niya kayang humarap sa paglilitis ng International Criminal Court o ICC.

Ayon kay ICC assistant to counsel Atty. Kristina Conti, iniutos ng pre-trial chamber ang isang medical examination para tukuyin kung fit si Duterte na lumahok sa mga pagdinig kasama na ang confirmation of charges.

Sakaling maideklarang unfit ang dating pangulo mananatili si Duterte sa custody ng ICC at susuriin ang kanyang kalusugan kada isandaan at 20 araw.

Gayunpaman,iginiit ni Conti na nalilito ang mga biktima ng war on drugs dahil magkasalungat ang mga pahayag ng pamilya at ng legal team ni Duterte.

ADVERTISEMENT

Pero ayon naman kay human rights lawyer Neri Colmenares malinaw na fit pa rin ang dating pangulo na humarap sa hukuman.

What do you feel about this article?