Latest NewsBalitang A2Z

Emma Tiglao nagpasalamat sa supporters matapos maiuwi ang Miss Grand Int’l crown

Back to back victories para sa Filipina beauty queens! 'Yan ay matapos maiuwi ni emma tiglao ang korona ng miss grand international.

BALITANG A2Z · · Updated · 2 min read

Back to back victories para sa Filipina beauty queens! ‘Yan ay matapos maiuwi ni emma tiglao ang korona ng miss grand international.

At makakuha naman ng titulo si mutya ng Pilipinas Christine Enero mula sa Malaysia.

Punung puno nga ng pasasalamat ang newly crowned Miss Grand International na si Emma Tiglao matapos maiuwi ang titulo para sa pilipinas nitong weekend.

Sa instagram, nagthank you ang 30 year old beauty queen sa mga pinoy fans na sumuporta sa kanyang journey.

ADVERTISEMENT

Early favorite si Tiglao sa naturang kumpetisyon na talagang hindi binigo ang supporters sa kanyang all out performance.

Mula sa rampahan hanggang sa question and answer portion.

Natalo ng pampanga beauty ang higit pitumpung kandidata, para manahin ang korona mula kay 2024 mgi queen CJ Opiaza sa makasaysayang back to back victory ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT

First runner up naman ang pambato ng host country na thailand na sinundan ng Spain, Ghana at Venezuela.

Samantala sa Malaysia, naiuwi naman ni mutya ng Pilipinas Christine Eds enero ang titulong Miss Tourism Queen of the year.

Isa ito sa titles na pinaglabanan sa Miss Tourism International pageant sa resorts world genting nito ring weekend.

ADVERTISEMENT

Ipinasa naman ng reigning queen from the Philippines na si Liana Barrido ang main title sa pambato ng Poland.

What do you feel about this article?