Latest NewsBalitang A2Z

DOTr, nagsagawa ng surprise inspection sa mga bus terminal sa EDSA, Pasay City at Parañaque City

Nagsagawa ng biglaang inspeksyon ang department of transportation sa mga bus terminal sa EDSA sa Pasay City umaga ng Lunes bilang paghahanda sa Undas.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nagsagawa ng biglaang inspeksyon ang department of transportation sa mga bus terminal sa EDSA sa Pasay City umaga ng Lunes bilang paghahanda sa Undas.

Pinangunahan ni acting Transportation chief Giovanni “Banoy” Lopez ang inspeksiyon kabilang ang isang iligal na terminal na naipasara na noong hulyo pero patagong nago-operate pa rin.

Inutusan ni Lopez ang LTFRB na maglabas ng show cause order laban sa operator ng nasabing terminal at nanawagan sa publiko na huwag tangkilikin ang mga bus na gumagamit ng iligal na terminal.

Bumisita rin ang DOTR sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para suriin ang pasilidad.

ADVERTISEMENT

Habang balak ng DOTr na bigyan ng opisina ang ltfrb sa loob ng PITX para mas mabilis na marespondehan ang mga reklamo ng pasahero.

What do you feel about this article?