Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong ‘Ramil’ Lunes ng umaga pero pito ang nasawi ayon sa ndrrmc matapos ang epekto ng bagyo.
Sa huling ulat ng PAGASA, taglay ni Ramil ang lakas ng hangin na 65 kilometers per hour at bugsong umaabot sa 80 kph kumikilos ito pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Bago ito lumabas ng par nagpaulan si Ramil ng halagang lampas sa isang buwan na ulan sa ilang bahagi ng Visayas.
Sa kasalukuyan, wala namang ibang Low Pressure Area o weather disturbance na binabantayan sa loob ng bansa.

