News LightLatest News

5.7 na lindol, naramdaman na naman sa Davao Oriental ngayong linggo | News Light

Muling niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Manay, Davao Oriental, 7:35 p.m. kagabi.

Newslight · · 1 min read

Muling niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Manay, Davao Oriental, 7:35 p.m. kagabi.

Ayon sa tala ng Phivolcs, matapos yanigin ng magnitude 7.5 na lindol noong October 10, hindi pa rin natatapos ang mga earthquake at aftershocks sa Davao Oriental.

Bagaman walang reported intensities ang Phivolcs, pinapayuhan pa rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang publiko na mag-duck, cover, and hold, lalo na sa mga kasalukuyang nakararanas ng pagyanig ng lindol sa kanilang lugar. (Austin Gonzaga/ News Light)

What do you feel about this article?