Latest NewsBalitang A2Z

2 patay matapos bumagsak sa dagat sa hong kong airport ang isang Emirates cargo plane mula Dubai

Patay ang dalawang tao na nasa isang ground vehicle malapit sa runway matapos bumagsak sa dagat ang isang cargo plane mula dubai habang papalapag sa Hong Kong international airport umaga…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Patay ang dalawang tao na nasa isang ground vehicle malapit sa runway matapos bumagsak sa dagat ang isang cargo plane mula dubai habang papalapag sa Hong Kong international airport umaga ng Lunes.

Ayon sa mga ulat, lumihis sa runway at tuluyang bumagsak sa dagat malapit sa sea wall ng paliparan ang boeing 747 ng aircraft

Makikita ang eroplano na hati ang unahan at buntot nito habang naka deploy ang escape slide.

Nailigtas naman ang apat na crew member ng eroplano.

ADVERTISEMENT

Ipinasara ngayon ang northern runway ng hong kong airport pero tuloy pa rin ang operasyon sa south at central runways.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa naging sanhi ng insidente.

What do you feel about this article?