Bumalik sa Cebu si Pang. Ferdinand Marcos Jr. para silipin ang mga lugar na matinding nasira ng magnitude 6 point 9 na lindol nitong nakaraang buwan.
Unang binisita ng pangulo ang bayanihan village sa San Remigio, isang inter-agency project na nagbibigay ng temporary shelters sa mga apektadong pamilya.
Tiningnan ni Marcos ang women at child-friendly spaces sa village na nagsisilbing bilang safe zone para sa pamamahinga at psychosocial activities.
Sumunod naman niyang binisita ang cebu provincial hospita na nasira rin sa lindol at ang Tent City sa Bogo City.
Papalitan din daw ang mga tent ng mas matitibay na modular shelters.
ADVERTISEMENT
Nagbigay din ng cash aid at construction materials ang mga biktima para makapagpagawa ng bahay.
Habang pinasalamatan ng pangulo ang Philippine Red Cross, mga volunteer, at mga ahensiya ng gobyerno dahil sa mabilis na pagtugon.

