Inihanda na ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga panukala para maibsan ang trapik sa Metro Manila sa darating na holiday season.
Ayon kay MMDA chairman Don Artes tumataas kasi ng sampu hanggang bente porsyento ang dumadaang sasakyan tuwing holiday season o halos pitong daang libong dagdag na mga sasakyan.
Simula November 17 hanggang December 25, suspendido ang lahat ng road excavation at reblocking activities sa mga major thoroughfares maliban sa mga malalaking infra projects ng dpwh at mga emergency repair.
Pero mula December 26 papayagan na uli ang mga construction para hindi makadagdag sa trapik sa pasko.
Babaguhin din ang operating hours ng mga mall magbubukas mula alas onse ng umaga hanggang alas onse ng gabi ang mga ito.
ADVERTISEMENT
Ipinagbawal din ang weekday mall sales.
Samantala, aabot sa 2,000 MMDA enforcers ang ide-deploy sa mga lansangan habang papayagan ang provincial buses sa EDSA mula December 20 hanggang January 2.

